"And he can see no reason, cause there are no reasons, what reason do you need to be shown?"
Kaunti lang ang may alam na hindi ito talagang orignal 80's hit, ngunit sumikat na lang ng husto noong dekadang 80's. Ang kantang ito ay ang pangalawang UK number one single ng Boomtown Rats noong July 1979. Sinulat ito ni Bob Geldof, and original organizer ng Live Aid. Ang kanta ay tungkol sa isang malungkot na insidente, ang shooting spree ng isang 16-year-old na si Brenda Ann Spencer kung saan siya nakapatay sa isang playground sa San Diego, California. Walang konsensya si Spencer sa kanyang ginawang pagpatay sa mga inosenteng tao, at ang kanyang binigay na opisyal na rason ay: "I don't like Mondays."
Naging malaking hit ito sa Pinas noong 80's, dahil madalas ito ipatugtog sa playlist ng NU 107. Naging theme song naman ito ng maraming NU Wave fans sa kanilang pagkabwiset sa pagpasok sa eskwela tuwing Lunes.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment