"We've know each other for so long. Your heart's been aching, but you're too shy to say it."
Kaunti ang nakakaalam kung paano nagsimula si Rick Astley. Nadiskubre ang gwapong singer sa isang club kung saan siya kumakanta ng black soul, at ginagaya niya ang boses ng mga matitinding black soul legends. Kinuha siya ng isang producer para isalang siya sa mundo ng recording. Di nagtagal inilabas ang kanyang unang single, ang "Never Gonna Give You Up" na naging instant hit sa British and American music charts noong 1987. Ito ang laging pinapatugtog ng mga mobile sa mga soirée at mga parties na pinupuntahan mo. Talagang sikat si Rick Astley sa mga babae, at sa nga clean-cut na chong, at madalas ito patugtugin sa mga record bar at sa Gift Gate, pag bumibili ka ng mga Sanrio products. Nagkaruon din ng maraming Rick Astley singing/dancing contest sa telebisyon.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment