Sa bumubuo ng Nostalgia Manila,
Isang mainit na yakap po sa inyong lahat mula sa isang nagpapasalamat. Gumawa po kayo ng tulay sa panahon ng aking buhay na akala ko ay nawala na. Nang aking madaan ang inyong website, naramdaman ko po muli ang tibok ng siyudad ng Maynila. Lalong lalo na sa Greenhills kung saan ako po noon ay laging nagigising at naaaliw. Ang mga panahon na inyong pinansin at binigyan ng tingin ay lugar at oras na tinikman at isinayaw ng mga taong naglaro sa tiyempo ng pagkakataon. Mula kay Ate Vi, hanggang sa VST, ang sarap alalahanin. Ang sarap iwagayway kung paano ang Maynila ay naging puso ng buong silayan. Dinibdib ng mga taong nagkita, nag-ayon at nagising sa kulay na dulot ng paligid. Mula sa mga ibang taong nagpadala na sa inyo ng kanilang mga sariling alaala, ligaya ang iisipin kung gaano tayo kapalad. Mayroon tayong mga larawan sa ating mga isipan na ang dulot ay matatamis na ngiti sa ating mga mata at init sa ating mga paa.
Dalawangpung taon na po ako dito sa Canada . Natupad ang aking mga pangarap. Masaya ang aking buhay, salamat sa tiyaga. Ngunit kung hindi ko naranasan ang aking dinanas sa Maynila nung 70's at 80's, hindi po ako ang taong makikita ko ngayon sa salamin.
Muli po, napakaraming salamat. Pagpatuloy po ninyo ang mabuting gawa at pagpalain po sana tayong lahat ng totoong nakakaalam.
Mula sa Montreal,
Gil Sanchez Peralta
(Third Son of Romeo C.Peralta, owner of ROPER STUDIO: Famous personal favorite photographer of the stars during the 70's and 80's.)
Maraming salamat kay Gil Peralta na nagpadala nitong magandang email na to! It's always great to hear from all of you readers and fans. Keep the emails coming! Send your emails to: nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com
Technorati Tags:blog, nostalgia
Wednesday, April 25, 2007
Sa bumubuo ng Nostalgia Manila - A wonderful email from a new Nostalgia Fan!
Posted on 9:11 AM by fjtrfjf
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment