Espesyal ang byaheng ito, byaheng Nostagia Manila! Pinahaba at pinaluwag ang sasakyan para magkasya ang mas maraming pasahero. Nariyan si Totoy sa manibela, si NM ang flight navigator, at mga byaherong pumuslit pa sa kani-kanilang mga pamilya at barkada para makasama lang: Jake, Jon, Edmond, Vince, Neo (Uy! Salamat rin!), gatorPinoy66, Mary Ann, Gigi, etc. Sino pa bang kulang? May lugar pa, gusto mo bang sumama? Halina at sumama kayo!
Ibigay lang ang tamang pamagat ng awiting pinanggalingan ng mga sumusunod na linya:
Awit1
"Ang nakalipas ay ibabalik natin, Ipapaalala ko sa'yo"
Awit2
"Sana'y maaaring ibalik ang kahapon at iguhit na muli ang nakaraan"
Awit3
"Mga araw na nagdaan kailanma'y hindi malilimutan, kay tamis ng araw ng pagmamahalan, ang akala ko'y walang hangganan"
Awit4
"At sana'y nakikinig s'ya, naaalala kaya n'ya ang love song namin noon na niluma na ng panahon?"
Awit5
"Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon, pilit ma'y tuyo na'ng damdamin"
Ano? Sirit na?
Technorati Tags:70s, 80s, quiz, music, nostalgia
0 comments:
Post a Comment