"Get into the groove, boy you've got to prove your love to me."
Ang kantang "Into The Groove" ay and pangapat na single ni Madonna na mula sa kanyang pangalawang album na ang "Like A Virgin" na inirelease noong 1985. Ang kantang ito ay naging isa sa mga signature hits ng material girl sa US, at naging B-side ng Angel. Ang video ay puro mga scene clips na galing sa pelikulang "Desperately Seeking Susan". Mapapansin mo na ang lyrics ay nagtutugma sa mga scenes ng pelikula. Hanggang ngayon, ang kantang ito ay isa sa mga best-selling singles ni Madonna sa UK. Nagkaroon ng maraming Madonna sing-alike, look-alike contest sa Philippine TV noong sumikat ang material girl. Laging nagpapatugtog ng Madonna sa mga shopping malls, sa mga disco, at mas lalo na sa mga school fairs! Maraming kababaihan ang naimpluwensya sa kanyang pananamit, at talaga namang naging uso ang kanyang style sa mga kabataan ng 80's.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment