Original Music Video
Menudo on GMA Supershow
"I'll never let you down, I'll always be around, just as long as you hold me."
1985 noong lumabas ang self-titled hit album ng Puertorican boy group na tinawag ding "Hold Me / Explosion". 1986 naman ang taon na nagkaroon ng Menudo Mania sa Pilipinas. Ito ang taong ginanap ang kanilang Manila Explosion concerts na punungpuno ng mga nagsisigawang mga dalagita. Minsan ay naging guest pa nga si Lea Salonga sa kanilang mga show. Kung dalagita ka noong panahong iyon, siguradong isa ka sa mga nainlab kina Robby, Charlie, Ray, Sergio, at Ricky. Panay ang guest ng mga binatilyo sa mga noontime tv shows, at sila ang laging nasa front cover ng lahat ng mga magazines. Sikat-na-sikat ang grupo na ang daming Menudo merchandise! Menudo notebooks, erasers, pencils, lunchboxes, t-shirts, watches, pati nga bed sheets!
Ang unang video ay ang original promo version ng "Hold Me". Nagkaroon din ito ng commercial edit na ginamit sa tv ad ng Pepsi, at talaga namang hindi maawat ang pagkakilig ng mga babae kina Robby Rosa, at sa cute na pinakabata sa grupo na si Ricky Martin. Ang pangalawang video ay live performance ng "Hold Me" sa kanilang Miami concert noong 1986.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment