Tuesday, July 17, 2007

Smooth Operator - Sade 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

Smooth Operator - Sade
"Coast to coast, LA to Chicago, western male. Across the north and south, to Key Largo, love for sale."


Ang "Smooth Operator" ay ang unang Top 10 hit ni Sade sa US Charts noong 1985. Ang music video ay na-nominate ng dalawang MTV Music Video Awards for Best Female Video and Best New Artist. Mayroon itong full-length version na 8 minutes ang haba, na pinapakita ang buong storyline ng kanta. Ang full-length version na may kasamang dialogue sa mga eksena ay hindi pinalabas a Pilipinas dahil sa haba ng video. Ang kantang ito ay agad na naging paburito ng maraming Pinoy noong una itong pinatugtog sa radyo, at talaga namang naging theme song ng lahat ng mga mangroromansa ng panahon.


More Video Hit Parade Classics: Turn Back The Clock - Johnny Hates Jazz

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment